JASMIN EULE, WALA NA NGA BA SA GRATIENZA ENTERTAINMENT PRODUCTION?
Isa si Jasmin Eule sa mga gumaganap sa digital content ng Gratienza Entertainment Production at mas kilala siya sa larangan ng pagpapatawa dahil sa mga karakter na tumatak sa mga manononood katulad ng "Kung Magiging Tayo" na umere noong October 13, 2021 bilang si "Pepita" na may apat na bahagi at kasalukuyang may pangkalahatang bilang ng mga nanood na 31.5 Million views. Nakilala rin si Jasmin bilang "Laila" sa "Kung Ako Na Lang Sana" na may tatlong season na nagsimulang umere noong March 28, 2022 at nagtapos nitong April 21, 2023 Ayon sa casting director na si Kristine Atienza, isa si Jasmin sa mga gaganap sa upcoming comedy serye ng Gratienza Entertainment Production na "Pamilya Maligalig". Dumalo siya ng script-reading at photoshoot para sa nasabing proyekto. Hindi inaasahan, ilang araw bago ang nakatakdang araw para sa taping ng unang episode ng Pamilya Maligalig napagdesisyonan ni Jasmin na hindi tumuloy kaya naman agad na humana