Mga palabas na dapat abangan sa Gratienza Entertainment ngayong 2023

1. SMALL BUT TERRIBLE

Isang gag show na ginagampanan ng mga batang aktor at aktres. Tampok sa palabas na ito ang mga nakakatawang karanasan ng mga taong nasa hustong gulang, jokes, parody at mga kwento na kapupulutan ng aral ng mga manonood. 



Mapapanood ang "Small But Terrible" isang beses sa isang buwan sa main youtube channel ng Gratienza Entertainment. 

2. PAMILYA MALIGALIG

Isang nakakatawang serye na umiikot ang sa tatlong pamilya na naninirahan sa Barrio Maligalig na pinagbibidahan nina Karen Aserdano (Aling Judith ) , Aling Budang (Lourence Atienza) at Aling Nena (John Brain Co).



3. SHE'S MINE

"An arrogant boy falls in love with a cold-hearted girl."

Ang kwento ng  isang babae na breadwinner ng kanilang pamilya, palaban at walang sinusukuan. Nabigyan ng pagkakataon na gumanap sa isang digital series on l YouTube na nagbigay sa kanya ng daan para sumikat at makilala. Ipaglalaban pa ba ni Arrogant Boy ang kanyang pag-ibig para kay Cold Girl kung ito ay may on screen love team na. 



4. TURN BACK TIME

Tungkol sa magbestfriend na sina Allen at Aleix na may gusto sa isa't isa ngunit hindi kayang magtapat ng nararamdaman. Dahil sa isang partikular na kaganapan, sila ay naghiwalay at nawalan ng contact sa loob ng mahabang panahon. Gayunpaman, sa kabila ng biglaang pagkawala ni Allen, si Alexis ay nananatiling umaasa at determinadong makipagkitang muli sa kanyang kaibigan at matuklasan ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkawala.


















Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

JASMIN EULE, WALA NA NGA BA SA GRATIENZA ENTERTAINMENT PRODUCTION?